Bentahan ng mga sasakyan sa Pilipinas, tumaas ngayong Agosto

Tumaas ang bentahan ng mga sasakyan sa Pilipinas ngayong buwan ng Agosto.

Ayon sa Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines Incorporated (CAMPI), tumaas ng dalawampu’t-isang porsyento o mahigit labingtatlong libong sasakyan ang naibenta ngayong Agosto kung ikukumpara sa kaparehas na buwan noong 2012.

Batay sa datos, tumaas ng 46.3 percent o mahigit limang libo ang naibentang passenger vehicles habang pumalo naman sa 9.3 percent o mahigit walumpung libo ang naibentang commercial vehicles.

Samantala, nanguna naman sa may pinakamaraming sasakyang naibenta ang Toyota Motor Philippines Corporation na sinusundan ng Mitsubishi Motors Philippines Corporation at Honda Cars.

Speak Your Mind

*