Bloodletting activity, isinagawa sa Calasiao, Pangasinan

Matagumpay na naisagawa nitong biyernes ang bloodletting activity sa bayan ng Calasiao, Pangasinan bilang bahagi ng pakikiisa ng bayan sa mainam na imbak ng dugo sa oras ng pangangailangan.

Ayon sa kay Vivencio Vallo, Municipal Administrator ng Calasiao na malugod na tinanggap ng mga residente ang nasabing panawagan sa pagtugon nito sa karagdagang imbak ng dugo at suporta na rin sa adbokasiya ng phil national red cross.

Paglilinaw pa ni Vallo, hindi matatawaran ang makapag alay ng panibagong buhay at pag asa sa ilang mga psyenteng nangangailangan ng karagdagang dugo.

Samantala, umabot sa 82 donor ang nakibahagi sa nasabing aktibidad mula sa mga mag -aaral ng bayan, mga empleyado, at ilng indibidwal na maituturing na munting bayani ng bayan.

Speak Your Mind

*