BSP, magpapatupad ng karagdagang polisiya para maiwasan ang inflation risks

Nakahanda ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpatupad ng mga karagdagang polisiya sa pananalapi para maiwasan ang inflation risks.

Bagama’t nanatiling positibo ang economic outlook para sa bansa, binigyang-diin ni BSP Governor Amando Tetangco Jr., na maaring magpatupad ng ilang pagbabago ang ahensya sa monetary policy nito.

Ayon kay Tetangco, tinututukan nila ang magiging galaw ng pandaigdigang merkado lalo pa’t nakaambang ipatigil ng us federal reserve ang bond-buying program nito.

Bukod pa ito sa nangyayaring kaguluhan sa syria na maari namang makaapekto sa presyo ng langis sa bansa.

Speak Your Mind

*