Death toll sa pananalasa ng dalawang bagyo sa Mexico, tumaas

Dahil sa magkasabay na pananalasa ng dalawang bagyo sa Mexico, tumaas pa ang death toll at libo-libong residente ang apektado.

Nabatid na nasa 41 na ang patay sa pinsala ng Hurricane Ingrid at Tropical Storm Manuel na nagdulot din nang pagka-stranded ng 4,000 turista sa pacific resort na Acapulco.

Umabot na rin sa 23,000 ang mga inilikas at 9,000 naman ang nananatili sa evacuation centers.

Nag-shutdown narin ang international airport dahil sa kawalan ng kuryente at hindi madaanan ang dalawang major highways na papasok ng paliparan.

Bagamat humina na ang dalawang bagyo patuloy pa rin itong nagpapaulan sa Mexico kaya’t nagkaroon na ng pagbaha sa mga estado ng Vera Cruz, Guerrero, Puebla, Hidalgo, Michoacan at Oaxaca.

Speak Your Mind

*