Diskwento Caravan ng DTI-Pangasinan, isinagawa sa bayan ng Aguilar

Umarangkada nitong linggo Sept. 1, ang Diskwento Caravan ng Department of Trade and Industry (DTI) para mabigyan ng tulong ang mga biktima ng kalamidad sa bayan ng Aguilar Pangasinan.

Ayon kay Director Peter Mangabat ng DTI-Pangasinan, layunin ng discount caravan na matulungan ang mga pamilyang apektado ng nagdaang bagyo sa pamamagitan ng 20% discount ng mga piling produkto.

Ilan sa manufacturers mula sa Manila at iba pang malalaking suppliers ang nakilahok sa nasabing aktibidad.

Kabilang dito ang Gardenia Bakeries, Century Pacific Group, Magic Sales, Granville, Addessa Corporation at ang National Food Authority-Western Pangasinan.

Ayon pa kay Mangabat, magpapatuloy ang nasabing Caravan sa iba pang lugar na naapektuhan ng bagyong maring at habagat bilang bahagi sa immediate response na ginagawa ng DTI sa mga biktima ng kalamidad.

Speak Your Mind

*