Freedom of information (FOI) Bill, lusot na sa dalawang komite ng senado

LUSOT na sa dalawang komite ng senado ang isinusulong na kontrobersiyal na Freedom of Information (FOI) Bill.

Makalipas ang dalawang beses lamang na pagdinig ng Joint Committees on Public Information, civil service at Finance, inanunsyo ni senador Grace Poe na nagkasundo na sila sa “basic provisions” ng panukalang batas.

Sinabi pa ng senador na binabalangkas na lamang nila ang committee report para lagdaan ng kanilang mga miyembro bago ito isumite sa plenaryo sa susunod na linggo.

Tiwala rin ang mambabatas na maipapasa ng senado ang FOI bill ngayong taon.

Layunin ng panukalang batas na mabigyan nang mas malawak na access ang publiko sa mga government records.

Speak Your Mind

*