Heroes burial, iginawad sa isang pulis na pangasinense na nasawi sa Zamboanga

Naihatid na kahapon sa kaniyang huling hantungan ang mga labi ng pulis na nasawi sa bakbakan sa pagitan ng military at grupo ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.

Kaugnay nito isang heroes burial ang iginawad sa naturang Police Officier na si PO2 Jeffrey Hernaez na tubong Brgy. Bantog San Quintin, Pangasinan.

Emosyunal ang naging paghahatid sa nasabing opisyal na kinunkonsiderang bayani dahil sa pakikipagbakbakan nito sa nagpapatuloy na engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at militar

Dinaluhan ang nasabing burial rites ng ilang pangunahing opisyal ng Police Provincial Office at mga kasamahan saa trabaho na siya ring bumuhat sa kabaong nito hanggang sa kanyang puntod.

Inalayan rin ito ng 21 gun salute bilang pagkilala sa pagkawala ng isang matapang na alagad ng batas.

Speak Your Mind

*