Ika-anim na panalo ng Petron, naitala matapos nitong talunin ang Talk n Text

Nasungkit ng Petron Blaze Boosters ang pang-anim na sunod na panalo nito sa pagpapatuloy ng PBA Governor’s Cup.

Tinambakan ng Petron ang koponan ng Talk n Text Tropang Texters, sa score na 122-88.

Susi sa pagkapanalo ng Petron ang 25 points na nagawa ni Elijah Millsap habang 20 points naman ang naimbag ni Alex Cabagnot.

Dahil dito, hawak na ngayon ng Petron ang 6-1 win loss record nito sa liga.

Sa kabilang banda, binigo naman ng koponan ng Global Port Batang Pier ang koponan ng Meralco Bolts, sa score na 91-79.

Dahil sa panalong ito, may pag-asa pa ang Global Port na makapasok sa quarterfinal round ng PBA Governor’s Cup.

Speak Your Mind

*