Isang linggong palugit para makumpleto ang pagbabaklas sa mga iligal fish pen sa Dagupan, muling hiniling

Muling itinakda ng Dagupan City Government sa susunpd na linggo Sept. 24 ngayong taon para sa pagbabaklas sa lahat ng mga illegal fish pens sa lungsod.

Ito’y matapos hiniling Task Force Bantay Ilog na bigyan pa sila ng isang linggo para makompleto na ang kanilang pagbabaklas.

Ayon kay Ronnie Cayabyab, ang Task Force Action Officer, nahirapan silang magbaklas sa dalawampung malalaking fish pens, kung saan ang lawak nito ay kasinlawak ng tatlong standard fish pens.

Sinisiguro ng grupo na ang mga natitira pang fish pens matapos na maani ang kanilang alagang isda ay agad at boluntaryo na nila itong babaklasin.

Speak Your Mind

*