Massive demolition sa mga illegal fishpen ng Dagupan, pinangunahan ni Mayor Fernandez

Personal na pinangunahan ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez kahapon ang demolisyon sa mga natitira pang illegal fish pens sa mga kailugan ng syudad.

Si Fernandez, kasama ang mga miembro ng task force bantay ilog, mga pulis at personnel ng City Agriculture, Engineering Office at City Anti-Littering Task Force, ay sumakay sa mga motorboat alas syete ng umaga kahapon para isagawa ang massive demolition sa mga fish pen.

Ilan sa mga may-ari ng mga illegal structures ay hindi nakasunod sa compromise agreement na boluntaryong baklasin ang kanilang fish pens matapos silang makapag-ani sa loob ng grace period na ibinigay sa kanila ng city government.

Inatasan narin ni Fernandez si City Legal Officer George Mejia para pag-aralan ang kasong maaaring isampa laban sa mga illegal fish pen owners na hindi nakasunod sa nasabing compromise agreement.

Speak Your Mind

*