Mayamang kultura ng Pangasinan, ipinakita sa pagbubukas sa Tourism Month

Pinangunahan ng Provincial Government ng Pangasinan ang Kick off Ceremony ng 3rd “Balitok A Tawir” (Golden Heritage), sa pagdiriwang nito sa tourism month sa Sison Auditorium, sa bayan ng Lingayen, Pangasinan

Layon umano ng nasabing pagdiriwang ang muling pagbuhay sa tadisyon at kultura ng lalawigan kabilang na rito ang nattanging kasaysayan ng buong probinsiya.

Ayon pa kay Gov. Amado Espino, Jr. Natatangi ang selebrasyon bilang pagpreserba sa tagong yaman at kultura sa lugar at maibahagi ito sa karatig lalawigan at sa buong bansa.

Paalala pa ni Espino, na mahalin ang pangasinan at balikan ang magagandang kultura at kaugalian na itinuro ng mga ninuno at ituro din ito sa mga anak

Ilan sa mga kabilang na patimpalak rito Pangasinan Folk Dances, Choral Rendition of Pangasinan Songs at Zarzuela.

Speak Your Mind

*