Megan Young, tutulak na ng Indonesia para sa Miss World Pageant

Tutulak na mamayang gabi patungong Indonesia si Miss World-Philippines Megan Young.

Ito’y para sa pinaka-aabangang Miss World 2013 na lalahukan ng mga kandedata mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Napag-alamang mamamalagi sa isang resort sa Bali, Indonesia si Megan kasama ang iba pang kandedata para sa gaganaping pre-pageant activity.

Sa abente otso ng Setyembre nakatakdang ganapin ang coronation night ng 2013 Miss World Pagent sa Jakarta, Indonesia.

Speak Your Mind

*