Naging panalo ng Ateneo kontra U.E, hindi na babawiin ng UAAP Board

Hindi na babawiin ng pamunuan ng UAAP ang naging panalo ng Ateneo Blue Eagles laban sa U.E Red Warriors noong Setyembre a-otso.

Ito ang naging desisyon ng UAAP Board sa kabila ng inihaing reklamo ng U.E laban sa suspendidong si Ateneo Blue Eagles head Coach Bo Perasol na umano’y namataan sa laban ng kanyang koponan bagama’t suspendido ito.

Dahil dito ay nakahinga na ng maluwag ang buong koponan ng Blue Eagles na inaasam pa ring makapasok sa final four ng UAAP Season 76.

Speak Your Mind

*