National Cancer Institute sa Pangasinan, isinusulong ni Congw. de Venecia

Naipila na sa konggreso ang isang panukala ni Rep. Gina de venecia ng 4th district ng Pangasinan ang pagpapatayo ng National Cancer Institute dito sa Pangasinan bilang tugon sa tumataas na bilang ng mga pilipinong naghihirap dahil sa sakit na kanser.

Ang House Bill 2077 ay magiging tugon sa problema ng mga may sakit na kanser, ang pinaka nakakamatay na sakit sa buong bansa at maging sa buong mundo at nangangailangan pa ito ng malaking gastos sa pagpapagamot.

Ayon kay de Venecia, kung magiging batas ito, maraming buhay ng mga Filipino ang maliligtas, na dati ay hindi makayanan ang mahal na gamutan kaya hinihintay na lamang ang taning ng kanilang buhay na hindi man lang magawang labanan ang sakit.

Samantala, pasado na sa 15th congress ang panukalang batas ni de Venecia, ang pagpapalawak at modernisasyon ng Region 1 Medical Center (R1MC) dito sa Dagupan City at kasalukuyan na itong isinasakatuparan.

Speak Your Mind

*