Nigeria, ninanakawan ng mahigit limang bilyong dolyar na halaga ng langis kada taun-taon

Bilyun-bilyong halaga ng langis ang ninanakaw sa Nigeria at ipinagbibili sa international markets at ang malaking bahagi ng kinita rito ay palihim na idinedeposito sa World Financial Centers.

Ayon sa ulat ng London-Based Chatham House, tinatayang 100,000 barrels per day (bpd) ng langis katumbas ng $5 billion ang ninanakaw sa mga tubo sa Niger Delta sa first quarter ng taon.

Tinukoy ng ulat ang United States, Britain, Dubai, Indonesia, India, Singapore at Switzerland bilang posibleng money-laundering hotspots, gayundin ang Brazil, China, Thailand, Indonesia, bilang destinasyon ng mga ninakaw na langis.

Nanawagan naman si Nigerian Oil Minister Diezani Alison-Madueke na ideklarang “blood oil” ang mga nakaw na langis dahil ang panganib sa seguridad na dulot nito ay katulad sa mga nakalipas at kasalukuyang mineral conflict zones gaya ng Angola, at Congo.

Speak Your Mind

*