North Korea, may kakayahan umanong gumawa ng nuclear bombs.

May kakayahan na umano ang North Korea na gumawa ng krusyal na equipment para sa nuclear bombs gamit ang uranium.

Ayon kay Joshua Pollack, Washington-Based Expert sa nuclear proliferation, nagsasanay ang Pyongyang na gumawa ng mahalagang component para sa gas centrifuge na kailangan para sa paggawa ng atomic bomb.

Babala ng mga eksperto, lalong mahihirapan ang international community sa pagmonitor ng nuclear program ng North Korea dahil hindi na nito kailangan na mag-import pa ng mga components.

Nabatid na sa mga ini-import na components nasusubaybayan ng international community partikular ng Amerika, ang development sa nuclear program ng komunistang bansa.

Speak Your Mind

*