Nuclear reactor ng Nokor, pinangangambahang muling buksan

Mukhang sinisimulan na naman ng North Korea ang Yongbyon Nuclear Reactor nito base sa mga satellite images na nakuha ng US Research Institute!

Makikita nga umano sa mga larawan na may puting usok na lumalabas mula sa gusaling malapit sa pinaglalagyan ng steam turbines at electric generators ng Plutonium Production Reactor.

Wala pang pahayag ukol rito ang International Atomic Energy Agency pero inayunan nito ang matagal nang panawagan ng Amerika na isantabi’t sirain ng North Korea ang nuclear program nito kapalit ng tulong pang-ekonomiya’t pang-enerhiya.

Samantala, tatlong nuclear tests na ang ginagawa ng Nokor mula pa noong 2006.

Speak Your Mind

*