Pagamutan para sa mga cancer patients, itatayo ng DOH

Sinimulan na ng Department of Health (DOH) ang bidding para sa pagtatayo ng oncology centers o pagamutan para sa mga cancer patients.

Ito ang naging pahayag ni Health Sec. Enrique Ona, matapos tumaas pa ang bilang ng mga may kanser sa ating bansa.

Nabatid na umaabot sa 85,000 cancer patients ang naitatala taun-taon, bagay na hindi na umano dapat ipagwalang bahala.

Ang naturang mga ospital ang siyang gagamot at mangangalaga sa mga mahihirap na may cancer at miyembro ng Philhealth.

Nakatakdang ipatayo ang mga ito sa ibat-ibang bahagi ng ating bansa upang lalo na sa mga lugar na maraming naitalang pasyente.

Speak Your Mind

*