Pagbaklas sa mga illegal fish pens sa Dagupan, binigyan ng palugit

Binigyan pa ng City Agriculture Office ng Dagupan ng hanggang Sept. 12 ngayon taon, pitong araw mula ngayon, na palugit para baklasin ang lahat ng mga illegal fish pens sa mga kailugan ng syudad.

Ayon kay City Agriculture Officer Emma Molina, meron pang siyam na pu’t walong fish pens ang hindi pa nababaklas matapos ang August 31 na deadline, kung saan apat na pu’t walo dito ay nasa pribadong lugar ngunit naging bahagi na ng ilog sa paglipas ng panahon.

Ayon pa kay Molina, ang chairperson ng task force bantay ilog, ang mga may-ari ng nasabing fish pen na nasa pribadong lugar ay nagpakita ng kanilang titulo sa lupa kung saan binabayaran din nila umano ang buwis ng nasabing mga fish pen.

Ayon naman kay City Engineer Virginia Rosario, sa ilalim umano ng Water Code of the Philippines, ang mga properties na naging bahagi ng mga ilog dahil sa erosion at iba pang natural factors ay magiging bahagi na ng public domain at maging pag-aari na ng gobyerno.

Speak Your Mind

*