Paggamit ng chemical weapons sa Syria, tinuligsa narin ng European Union

Umapela ang European Union (EU) para sa isang “clear and strong response” sa sinasabing paggamit ng chemical weapons sa Syria.

Sinabing may “strong evidence” na mismong ang rehimen ni President Bashar Al-Assad ang nasa likod ng nasabing pag-atake, na ikinamatay ng mahigit 1,400 sibilyan noong Agosto 21.

Sa pahayag, na inilabas matapos makipagpulong ni US Secretary of State John Kerry sa EU Foreign Ministers sa Lithuania nitong sabado, malinaw na kumambiyo at ngayon ay sumusuporta na ang rehiyon sa plano ng Amerika na papanagutin ang rehimeng Syrian, bagamat hindi tuwirang sinuportahan ang pag-atakeng militar.

Speak Your Mind

*