Pananalasa ng bagyong Man-Yi sa Japan, 3 katao ang iniwang patay

Tatlong katao ang iniwang patay ng pananalasa ng bagyong Man-Yi sa Japan habang anim pa ang nawawala.

Ang bagyo ay nag-landfall sa Toyohashi sa Aichi Prefecture taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 162 kilometro bawat oras.

Ayon sa umaabot naman sa 128 katao ang sugatan habang 4,000 mga kabahayan ang binaha at 270 bahay ang sinira ng bagyo.

Kabilang din sa hinagupit ng bagyo ay ang Northeast Japan kabilang ang Fukushima Prefecture kung saan naroroon ang nasirang daiichi Nuclear Powerplant.

Nabatid na halos 600 mga flights ang kinansela sa Japan dahil sa sama ng panahon at pansamantalang na-shutdown ang serbisyo ng tren.

Speak Your Mind

*