Planong pagpapatayo ng slaughterhouse, pinag-aaralan na sa Dagupan

Sumailalim sa isang pagpupulong ang mga meat vendors ng Malimgas Market ng lungsod ng Dagupan upang hingin ang kanilang saloobin ukol sa planong pagpapatayo ng slaughterhouse sa syuidad.

Hiningi ni Mayor Belen T. Fernandez ang opinyon ng mga meat vendors kung talagang kinakailangan na ngang maipatayo ang istraktura.

Ayon kay Brgy. Capt. Dante Caldona ng barangay Malued na isang ring meat vendor kailangan na talaga ng slaughterhouse dahil hirap na ang mga nagtitinda ng karne dahil sa ibinabayad nilang serbisyo sa pagkatay mula pa sa ibang bayan.

Inaasahang bababa ang babayaran ng mga meat vendors kung magkakaroon ng slaughterhouse sa lungsod.

Masisiguro rin ang kalinisan ng mga inilalakong karne kung mababantayan ito ng pamahalaang lungsod. Magiging posible ito kung mayroong slaughterhouse ang lungsod.

Speak Your Mind

*