Plaza Enrique Braganza sa Alaminos City, magiging centro na rin ng turismo

Kasalukuyang inaayos at pinagaganda ng pamahalaang panlungsod ng Alaminos ang Plaza Enrique Braganza upang mas makaakit sa pagdayo ng mga turista.

Matatagpuan sa Plaza Enrique Braganza ang 24/7 Alaminos City Action Center, kung saan dito tutugunan ang mga alalahanin ng mga residente sa panahon ng kalamidad, mga aksidente at katulad na pangyayari.

Naroroon din sa nabanggit na plaza ang Tourism Information Center na nakatoka naman para agarang matugunan ang mga concerns ng mga turistang dumadayo sa lungsod para bisitahin ang pamosong hundred islands national park o hinp.

Sinabi ni City Tourism Operation Officer Mike Sison, ang Plaza Enrique ay WIFI Zone na ngayon at tatayuan din ng isang coffee shop at pasalubong center upang maipakita ang mga produkto ng Alaminos.

Speak Your Mind

*