Presyo ng produktong petrolyo, muli na namang tumaas ngayong araw

Muli na namang tumaas ang presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes.

Alas 6:00 kaninang umaga nang magpatupad ang Petron at Shell ng piso at kinse sentimos na dagdag-presyo sa kada litro ng kerosene at piso naman sa diesel.

Samantala, piso naman at bente singko sentimos naman ang umento ng Petron sa gasolina habang piso at trenta y singko sentimos ang sa shell.

Alas-12:00 ng tanghali naman nang magpataw ng pisong dagdag-presyo sa kada litro ng diesel habang piso at bente singko sentimos naman sa gasolina ang PTT Philippines.

Ayon sa mga kumpanya ng langis, ito’y bunsod ng paggalaw ng presyuhan sa pandaigdigang merkado.

Speak Your Mind

*