Price freeze, patuloy na ipinatutupad sa mga lugar na nasa ilalim pa sa state of calamity

Patuloy na ipinatutupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang price freeze sa mga pangunahing bilihin sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity matapos masalanta ng bagyong labuyo noong nakaraang buwan.

Paglilinaw ito ng DTI kasabay ng pagsasabing hangga’t hindi tatanggalin ng mga pinuno ng lalawigan ang deklarasyon ng State of Calamity sa lugar ay mananatili ang price freeze.

Batay sa Section 6 ng RA 7581 o mas kilala sa tawag na price act, ipapatupad ang automatic price control oras na nasa ilalim ng state of calamity ang isang lugar upang maiwasan ang kaguluhan na dulot ng overpricing.

Saklaw sa price freeze ang basic goods tulad ng gatas, de-lata, kape, bigas, tinapay, asukal, kape, asin, mantika, sabong panlaba,  itlog , karneng baboy, manok at baka, processed milk, root crops at iba pa.

Speak Your Mind

*