Richard Gutierrez, mas enjoy umano na non-exclusive contract

Mas gusto umano ngayon ng aktor na si Richard Gutierrez ang non-exclusive contract dahil puwede siyang mag-guest kahit saang TV Network.

Una rito, nag-trending ang guesting ni Richard sa pilot episode ng Showbiz Police sa TV5 noong Setyembre 14 dahil sa pabirong pagwo-walkout niya nang tanungin siya ng kakambal niyang si Raymond kung may bagong miyembro na nga ba ang Gutierrez Family.

Tiyak naman daw na pag-uusapan din nang husto ang next guesting ni Richard,  kung hindi magbabago ang plano, nakatakda siyang mag-taping ngayong gabi sa ‘Gandang Gabi Vice na eere sa linggo (Setyembre 29).

Hindi pa naman malinaw kung may offer sa aktor ang TV5 maging ang Kapamilya Network.

Speak Your Mind

*