Womens and Childrens Desk, kasalukuyan ng ipinatutupad sa Dagupan

Kasalukuyan na umanong tumatakbo ang operasyon ng bagong ordinansa ng dagupan na Womens and Childrens Desk sa bawat barangay ng siyudad.

Ayon sa pahayag ni Dagupan Councilor Atty. Joey Tamayo bilang may akda ng ordinansa, naglaan ang lungsod ng kalahating milyong paunang pondo para sa nasabing panukala.

Layon umano ng ordinansa na pangalagaan ang kapakanan ng mga kababaihan at mga kabataan na  maituturing umanong nasa sektor ng mga mahihina.

Dagdag pa ni Tamayo, bukod sa kapakanan ng mga nabanggit, kabilang rin sa ordinansang ito na ipabatid sa lahat ng benepisyaryo ang bawat karapatan na idulog at isumbong ang anumang pang aabusong nararanasan sa lipunan.

Samantala, opisyal na mangangalaga sa naturang opisina sa isang barangay ang nakatatandang babae bilang takbuhan sa anumang hinaing na maaaring idulog sa ilalim ng nasabing ordinansa.

Speak Your Mind

*