Jeremy Lin, susi sa panalo ng Rockets sa NBA preseason game sa Taiwan

Hindi binigo ni Houston Rockets star Jeremy Lin ang kanyang mga kababayan sa Taipei at tinalo ang Indiana Pacers sa NBA preseason game.

Sa harap ng halos 14,000 basketball fans, pinayuko ng Rockets ang Pacers sa iskor na 107-98.

Umiskor ang Taiwanese-American sensation ng 17 points na dinagdagan pa ng 21 puntos ni James Harden.

Sa panig naman ng Pacers, nakapagtala ang kanilang main man na si Paul George ng 19 points.

Speak Your Mind

*