Oil price hike, nagbabanta na naman ngayong linggo

Asahan na naman ang muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ngayong papasok na linggo.

Batay ito sa abiso ng ilang oil companies bunga na rin umano ng paggalaw ng presyo ng krudo sa world market.

Maaaring umabot umano sa P0.50 sentimos kada litro ang ita­taas sa presyo ng produktong petrolyo.

Sa kasalukuyan ay naglalaro sa pagitan ng P51-52 kada litro ang presyo ng gasolina habang P41-42 naman sa diesel.

Speak Your Mind

*