World title fight, susunod na haharaping laban ni Ana “Hurricane” Julaton

Isang world title fight ang inaasahang susunod na laban ni Filipina Boxing Hero Ana “Hurricane” Julaton matapos niyang magwagi via 10th round majority decision sa kanyang huling laban sa mas matangkad na kalabang Mexican na si Perla Hermandez sa Yucatan, Mexico.

Kahit naputukan ng kanang kilay sanhi ng aksidenteng umpugan sa ikaanim na round, nakipagsabayan pa rin si Julaton kay Hernandez kaya nanalo sa score cards ng dalawang huradong mexican sa mga iskor na 97-93 at 98-94 samantalang isa pang Mexican Judge ang umiskor ng 95-95.

Dahil sa kanyang pagwawagi, inaasahang aangat si Julaton sa WBO Rankings at maaring hamunin ang kasalukuyang kampeon an si Marcela Eliana Acuna ng Argentina na natamo ang korona nang hubaran ng WBO ang tumalo sa pinay boxer na isa ring taga-Argentina na si Yesica Marcos noong Marso 2012.

Speak Your Mind

*