2.7 billion pesos na tax collection, target ng BIR Calasio ngayong 2014

Umaabot sa 2.7 billion pesos ang target Tax Collection ngayon 2014 ng Buraeu of Internal Revenue o BIR Calasiao, mataas kumpara noong nakaraang taon na umaabot sa P2.5 billion o sampung porsyentong pagtaas.

Nabatid na mula sa 2.5 billion pesos noong nakaraang taon, umabot lang sa 2.2 billion pesos ang nakulektang buwis dulot umano ng mga delinquent tax payer o yung mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Bunsod nito, umapela si BIR District Officer Renato Molina sa lahat ng mga tax payer sa lalawigan na maagang magpila sa pagbabayad ng buwis kahit na sa Abril 25 pa ang deadline nito.

Sa ngayon, sinimulan narin ng BIR ang kanilang kampanya kada barangay para matiyak na hindi kakapusin sa target collection ngayon taon, kasabay sa paghihikayat sa publiko na tangkilikin ang kanilang inihahaing e-services.

Speak Your Mind

*