Bayan ng Binmaley, hawak ang titulo bilang fishbowl ng Region 1

Napanatili ng bayan ng Binmaley, Pangasinan ang kanyang titulo bilang “fishbowl” ng Region 1, na nangunguna sa aquaculture kung saan mas lalong tumaas ang produksyon nito sa nakaraang taon.

Ayon kay Municipal Agriculture Officer Fernando Ferrer, ang pagtaas ng kanilang fish production ay dahil sa mas mainam na kalidad ng tubig at naging mas maayos ang pagpasok nito sa mga fishpond dahil tinanggal na ang mga istruktura sa kailugan.

Sa ngayon, meron nang 2,752 na ektarya ng brackish water pond ng Binmaley na nagpo-produce ng bangus habang ang iba pang 109.5 na ektarya ay nagpo-produce naman ng tilapia, kabilang na dito ang mga sugpo, vannamei (white shrimps), at malaga.

Ang bayan ng Binmaley ay may hawak ngayon sa record na may pinakamalawak na in-land fish pond sa boung Region 1.

Speak Your Mind

*