CHED Region 1, bukas sa posibleng paglilipat ng pagbubukas ng klase

Bukas ang Commission on Higher Education (CHED) Region 1 sa posibleng paglilipat ng pagbubukas ng klase para sa mga kolehiyo at unibersidad, mula hunyo patungong Agosto o Setyembre.

Ayon kay CHED Regional Dir. Solidad Abuan, naa-ayon ito sa ASEAN 2015 kung saan mas makakahikayat ng mga estudyante mula sa ibat-ibang bansa sa Asya na mag-aral sa Pilipinas.

Malaking tulong aniya ito hindi lang sa mga estudyante magmumula sa ibat-bansa kungdi maging sa mga mag-aaral ng ating bansa na gustong mag-aral sa ibang bansa dahil sa iisang panahon na ang pagbubukas ng klase.

Gayunpaman, nilinaw naman ni Abuan na kailangan pa ring magsagawa ng mas malawakang konsultasyon sa lahat ng sektor, mga estudyante at magulang para sa usaping ito.

Speak Your Mind

*