Death penalty sa pamamagitan ng lethal injection, muling binuhay sa senado

Dahil sa mga nakakaalarmang bilang ng krimen sa bansa, isinusulong ngayon sa senado ang pagbuhay sa death penalty sa pamamagitan ng lethal injection.

Nakasaad sa isinumiteng Senate Bill No. 2080 ni Senador Vicente ‘Tito’ Sotto III na ipawalang-bisa na ang Republic Act No. 9346 o An Act Prohibiting the Imposition of Death Penalty in the Philippines.

Iginiit ni sotto na labis nang nakakabahala ang kaliwa’t kanang kaso ng karumal-dumal na krimen sa bansa kaya’t makatwiran lamang na ibalik ang ultimate crime penalty na nakapaloob sa konstitusyon.

Sa ilalim ng panukala, papatawan ng parusang bitay ang mga mapapatunayang sangkot sa heinous crimes na naka-specify sa Death Penalty Law at iba pang umiiral na batas.

Speak Your Mind

*