Dole Integrated Livelihood Program, tugon para makalikha ng maraming trabaho sa Region1

Patuloy ang programa ng Department of Labor and Employment-Regional Office 1 na makapag-produce ng trabaho sa mga pilipino para maibsan ang insidente ng kahirapan sa rehiyon.

Ayon kay DOLE 1 Regional Director Grace Ursua, aabot sa p29,387,000 milyon ang popondohan na pangkabuhayan para sa mga ibat ibang grupo at indibidwal ng ahensya ngayong taon.

Noong nakaraang taon, nakapagpalabas ng P14,948,297 milyong pondo ang ahensya sa 57 livelihood projects sa boung rehiyon, kung saan 3,586 ang direktang nakinabang na mga  benepisyaryo, 754 sa Ilocos Norte; 728 sa Ilocos Sur; 1,155 naman sa La Union at 949 sa Pangasinan.

Nakinabang dito ang mga magsasaka, mangingisda, kababaihan, ambulant vendors, persons with disabilities, union members, home-based workers, at mga bamboo workers.

Ang DOLE Integrated Livelihood Program ay isa sa mga estratehiya na pinapatupad ng gobyerno para matamo ang adhikain na mabigyan ng oportunidad ang mga mahihirap o marginalized sector.

Speak Your Mind

*