Financial assistance sa mga dependents OFWS, alok na tulong ng OWWA Region1

Nag-aalok ngayon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng financial assistance para sa mga dependents ng mga Overseas Filipino Workers (OFWS) para makatulong na maipagpatuloy ang kanilang tertiary education.

Sinabi ni Sheila Mae Aguilar, ang Labor Communication Officer, ang aplikasyon para OFWS’ Dependent Scholarship Program (OSDP) ay tinatanggap na sa OWWA Regional Office sa lungsod ng San Fernando, La Union at sa mga Satellite Offices ng ahensya.

Hinihikayat ni Aguilar ang mga interesadong aplikante dito sa lalawigan ng Pangasinan na magmadali dahil siyam na lang ang natitirang slots para sa nasabing programa.

Kabilang sa mga kwalipikadong aplikante ang mga anak ng married OFW at mga kapatid ng unmarried OFW, walang asawa, hindi lalagpas sa 21 years old, high school graduate at incoming college freshman para sa school year 2014-2015.

Speak Your Mind

*