Fish Pond Management, malaking sa tulong sa maunlad na aquaculture industry ng Binmaley

Naging daan sa umuunlad na aquaculture industry ng Binmaley, Pangasinan ang isinasagawang regular seminars sa fish pond management at aquaculture, sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at Pangasinan State University.

Ayon kay Municipal Agriculture Officer Fernando Ferrer, ang average production kada taon ay umaabot sa 2.5 hanggang 2.7 na tonelada kada ektaryato at karamihan dito ay mga bangus.

Ang first-class fish ponds ng Binmaley ay kayang magsagawa ng tatlong croppings kada taon habang ang mga rain-fed na fishponds ay minsan lang ang cropping nito sa isang taon.

Idinagdag pa ni Ferrer na ang ilang pond operators ay gumagamit naman ng modular scheme kung kayat nakakagawa ito ng apat na croppings kada taon.

Nanggagaling naman sa Bonuan, Dagupan City ang kanilang bangus fry fingerlings at ang ilan ay galing pa sa Saranggani at sa bansang Indonesia at karamihan din sa kanilang mga harvest ay ibinebenta sa Malimgas Market sa lungsod ng Dagupan.

Speak Your Mind

*