Isang daang magkasintahan, sabay-sabay na mag i-I-Do sa Hundred Islands

Isang daang magkasintahan ang sabay-sabay na magsasabi ng “I Do” sa gagawing romantikong kasalan o mass wedding sa araw ng mga puso o Valentines Day, na gaganapin sa Quezon Island na bahagi ng Hundred Islands National Park sa lungsod ng Alaminos City.

Ang mass wedding project ng city government ay pangungunahan ni Mayor Arthur Celeste kaakibat ang Pag-Ibig Fund.

Kabilang sa package wedding ng nasabing proyekto ang libreng hawaiian-themed wedding attires at wedding rings, kabilang din ang libreng souvenir invitations, pagkain at transportasyon papunta sa isla.

Ayon kay Assistant Civil Registrar Lovely Milles, hindi lang mga partners na nasa lower socio-economic classes ang pwedeng magparehistro kundi sa lahat ng gustong makaranas ng kakaibang kasalan sa isla at inaasahang makukumpleto nila ang isang daang pares hanggang sa February 3 ngayong taon.

Speak Your Mind

*