Jueteng, mistulang legal na sa administrasyong Aquino

Mistulang legal na ang jueteng sa ilalim ng pamamahala ng Aquino administration.

Ito ang kiginiit ni Retired Archbishop Oscar Cruz, kung saan mas tumindi pa umano ang pamamayagpag ng jueteng ngayon dahil hindi na ito hinuhuli.

Matatandaan na naging matindi ang kampanya ni Archbishop Cruz Laban sa jueteng noong administrasyon ni dating Pangulong Gloria Arroyo.

Ganunpaman, pinuri pa ni Cruz ang dating pangulo ng bisitahin nito sa Veterans Hospital dahil kahit kailan ay hindi siya pinatulan sa kanyang mga batikos.

Speak Your Mind

*