Kabuuang kita ng mga opisyal ng gobyerno, dapat ilagay sa website

Dapat umanong ilagay ng mga mambabatas, partikular ang mga senador at iba pang opisyal ng gobyerno, ang kabuuang kita ng mga ito sa website ng mga ahensiya at institusyong kanilang kinabibilangan.

Ito ang sinabi ni Senadora Miriam Defensor-Santiago kung saan maghahain umano ito ng “amendment” sa Freedom of Information (FOI) bill para gawing mandatory ang paglalathala ng kita ng mga opisyales ng gobyerno sa mga websites ng pamahalaan.

Kasama umano sa dapat i-publish ang basic salary, allowances at iba pang mga personal income ng mga opisyal ng gobyerno pati na ang mga senador.

Ayon pa kay Santiago, dapat ding buwagin ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na ibinibigay sa mga senador kada buwan dahil ito ang pinagmumulan ng karagdagang kita ng bawat senador.

Speak Your Mind

*