Limang estado sa Amerika, nasa state of emergency dahil sa matinding winter storm

Dahil sa makapal na niyebe, apektado na rin ng polar vortex o matinding winter storm ang Southern United States.

Kabilang sa mga nakararanas ng snow storm ang Alabama, Georgia, Mississippi, Louisiana, Texas at ilang bahagi ng Florida states.

Bunga nito, libu-libong biyahero na rin ang stranded sa mga transport terminal dahil sa kapal ng niyebe at daan-daang estudyante rin ang nahirapang makauwi bunsod ng madulas na kalsada.

Samantala, bagaman hindi nakararanas ng winter storm, apektado na rin ng matinding lamig ng panahon ang Mexico makaraang makapagtala ng negative 6 degrees Celsius sa Hilagang bahagi ng bansa.

Speak Your Mind

*