Manny Pacquiao at Timothy Bradley, nagkasundo sa VADA testing sa kanilang rematch sa Abril

Kapwa sasailalim sina Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa random drug tests na isasagawa ng Voluntary Anti-Doping Association (VADA) para sa kanilang rematch sa Abril 12.

Ito ang kinumpirma ni Bradley sa RingTV.com, kung saan sinabi niyang ang VADA testing ay isa sa mga kondisyon na kasama sa kanilang fight contract.

Sa kanyang nakaraang dalawang laban kina Ruslan Provodnikov at Juan Manuel Marquez, sumailalim si Bradley sa naturang testing.

Sa ilalim ng VADA program, ang mga fighters ay tinitingnan kung gumamit ng banned substances isang linggo bago ang ka­nilang laban.

Ang Pacquiao-Bradley 2 ay idaraos sa MGM Grand sa Las Vegas.

Speak Your Mind

*