Mariel Rodriquez, pinatitigil na ni Robin Padilla sa pag-aartista

Kung ang actor na si Robin Padilla umano ang tatanungin, mas gusto niyang makabalik na sa hosting job si Mariel Rodriquez kaysa mag-artista.

Ito ay dahil ayaw umano ni robin na mag-artista ang asawa at makita na may ibang leading man dahil sa pagiging seloso nya.

Pumayag lang daw ang aktor na nagbabalik aksyon na makasama si Mariel sa incoming movie nila na “Sa Ngalan ng Ama, Ina at mga Anak”, dahil siya ang leading man.

Samantala, nakatakda na sa susunod na buwan ang pagbabakasyon ng mag-asawa sa Sweden dahil gusto raw nilang makita ang sink hole roon at dahil na rin sa gagawin nilang pelikula with BB Gandanghari tungkol sa gay marriages.

Speak Your Mind

*