Mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan, posibleng maapektuhan ng rice smuggling sa bansa

Nagkakaroon na umano ng sapawan sa mga ibinibentang bigas sa merkado dahil sa umanoy rice smuggling sa bansa

Una rito, nabatid na uma-aray na ang mga maliliit na magsasaka ilang lugar sa lalawigan ng pangasinan dahil hindi rin maibenta ang mga aning palay sa dapat na presyo na 21 piso kada kilo.

Ayon kay Abono Partylist Engr. Rosendo So, kung magpapatuloy ang rice smuggling sa bansa, hindi malayong mamamatay ang industriya sa pagsasaka dahil sa nagpapatuloy na usapin sa smuggling

Bagamat may kaukulang bilang pa rin ng bags ng bigas ang buong rehiyon, nangangailangan pa rin ng pag-aangkat ng bigas sa sapat na ayuda.

Speak Your Mind

*