North Korea, aktibo na ulit sa paggawa ng plutonium sangkap sa paggawa ng nuclear bomb

Aktibo na ulit ang nuclear reactor ng North Korea na ginagamit sa paggawa ng plutonium, isang sangkap sa paggawa ng nuclear bomb.

Sinabi ni US Director of National Intelligence James Clapper na nilakihan pa ng North Korea ang uranium enrichment facility sa Yongbyon nuclear complex at pinagana na muli ang reactor.

Nabatid na pina-shutdown ang nasabing reactor noong 2007 subalit noong nakaraang Abril ay nagbanta ang komunistang bansa na ito’y bubuhayin sa kasagsagan ng tensyon sa Korean peninsula.

Ayon kay Clapper, ang nuclear program ng Hilagang Korea ay malaking banta sa Amerika at sa seguridad sa East Asia.

Speak Your Mind

*