Oil price hike, ikinakasa ng mga kompanya ng langis ngayong araw

Ikinasa ngayon ng mga kompanya ng langis ang panibagong price hike sa gasolina at diesel.

Epektibo alas-6 kaninang umaga, nagpatupad ng price increase ang ilang mga kompanya ng langis sa bansa.

Batay sa abiso ng PTT Philippines, karagdagang P0.45 per liter sa gasolina at P0.60 per liter naman sa diesel ang magiging taas sa mga produkto.

Maging ang Shell Philippines ay nag-anunsyo na rin hinggil sa ipatutupad na pagbabago sa kanilang mga presyo.

Base sa oil price monitoring report ng Department of Energy, ang paggalaw ng presyuhan ng langis ay bunsod ng forecast ng World Bank hinggil sa posibleng pagtaas ng global oil demand.

Speak Your Mind

*