P8 bilyon kada taon, natatapong kanin ng bawat Pinoy

Umaabot sa P23 milyon kada araw at P8 bilyon naman kada taon ang natatapong kanin ng kada pamilyang Pilipino.

Ito ay batay sa tala ng Philippine Rice Research Institute (PRRI) kung saan Umaabot ng tatlong kilong kanin kada Pilipino ang natatapon taon-taon mula sa mga tirang pagkain,

Sa inihaing Senate Bill 1863 o “Anti-Rice Wastage Act of 2013” ni Sen. Bongbong Marcos, oobligahin ang mga establisyimento na magbenta ng kalahating order ng kanin para mabawasan ang mga natatapon lang.

Sang-ayon naman sa panukalang batas ang Hotel and Restaurant Association of the Philippines.

Speak Your Mind

*