Panukalang bitay sa mga dayuhang nagbebenta ng droga sa Pilipinas, niluluto

Niluluto ngayon sa Kamara ang panukalang batas na parusang kamatayan para lamang sa mga dayuhang nagbebenta ng droga sa Pilipinas sa ilalim ng House Bill 1213

Paliwanag ng magkapatid na Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro) at Maximo Rodriguez (Partylist, Abante Mindanao), hindi makatuwiran na ang mga Pinoy ay napapatawan ng parusang kamatayan sa ibang bansa tulad ng China kapag nahuhuli sa  kasong droga.

Pero pagdating dito sa Pilipinas ang mga nahuhuling dayuhan tulad ng Chinese nationals, na nagbebenta at nag-o-operate ng drug dens at laboratories ay habang buhay na pagkabilanggo lang ang parusa kahit gaano kalaki ang bulto ng drogang nakukumpiska sa kanila.

Layunin ng panukala na amyendahan ang Comprehensive Dange­rous Drug Acts upang hindi na maglakas-loob pa ang mga dayuhan na magmanupaktura ng droga sa bansa.

Speak Your Mind

*