Patung-patong na kaso, isinampa ng kampo ni Vhong Navarro kina Cedric Lee at Deniece Cornejo

Patung-patong na kaso ang kinakaharap ng negosyanteng si Cedric Lee, modelong si Deniece Cornejo at iba pa kaugnay sa pambubugbog sa TV host at artistang Vhong Navarro.

Inihain ng National Bureau of Investigation kahapon ang kaso sa Prosecutor General’s office bilang resulta sa imbestigasyong isinagawa sa insidenteng naganap noong Enero 22 sa condominium unit ni Cornejo sa Bonifacio Global City Taguig.

Kinasuhan ng kidnapping at serious illegal detention sina Lee, Cornejo, Bernice Lee, Ferdinand Guerrero, Zimmer Rance at tatlo pa na nakilala lamang sa pangalang “Mike,” “John Doe” at “Peter Doe.”

Nahaharap din ang pito sa kasong serious physical injuries, grave threats, grave coercion, unlawful arrest, threatening to prevent publication in exchange for compensation.

Iginiit ni VHong na na-set up siya nang bisitahin sa condominium unit si Cornejo.

Speak Your Mind

*