Positibong resulta ng mga survey ng Pulse Asia at SWS, walang epekto kay Pnoy

Walang epekto sa Malakanyang ang inilalabas na positibong resulta ng mga survey ng Pulse Asia at Social Weather Stations (SWS) kay Pangulong Benigno Aquino III.

Binigyang diin ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr. na ang bawat pagkilos ni Pangulong Aquino ay hindi nakabatay sa survey kundi sa hayagang pagharap sa sitwasyon ng mga mamamayan at bigyang tugon ang pangangailangan ng mga ito.

Makailang ulit na aniyang sinabi ng Pangulo na hindi siya pinapatnubayan ng survey dahil ginagawa niya ang tama para mapagtagumpayan ang kanyang mandato.

Mas makahulugan pa rin aniya ang kongkretong pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan kahit may lumabas man o walang positibong resulta ng survey.

Speak Your Mind

*